Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa". Ipinagdirawang ang Buwan ng Wika tuwing buwan ng Agosto. Nakapaloob dito ang Linggo ng Wika na ipinagdiriwang naman tuwing Agosto 13-19 kada taon. Ang selebrasyong ito ay palaging nagtatapos sa kaarawan ni Quezon. Noong Disyembre 30, 1939 idineklara ni Quezon na Tagalog ang magiging Pambansang Wika.
Bawat paaralan ay nagdiriwang ng Buwan ng Wika para sa paggunita ng kadakilaan ni Manuel L. Quezon sa pagtatatag niya ng Pambansang Wika. Ang mga paaralan ay nagkakaroon ng mga paligsahan gaya ng: pagsulat ng sanaysay, balagtasan, sabayang pagbigkas, mga pagtatanghal at ibang mga paligsahan na nagpapakita ng paggamit ng ating Wikang Pambansa.
Pangalagaan at mahalin natin ang ating sariling wika!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento